Monday, October 31, 2011

"Feeling" (Ang X mong feelingero)"

Feelingero!
 is a slang word for someone who feel like something/someone he is not

and believes that he is like   something/someone

noun - someone who feels that he or she is very important when, in fact, he or she is no

Ang daming mga feelingera/o ngayon. As in, yung feeling talaga. Feeling mo kung sino.. Nakakairita. Ang kati sa bangs. Basta, feeling sila masyado.. Nagmamaganda, hindi naman maganda. Feeling close, di naman close… Feeling. Yung iba mukha naman kabayo. Yung iba, gusto lang maging popular at makilala. Yung iba feeling na gusto sila ng x at crush nila. hindi ba nakakairita?

So sino sino nga ba ang mga Feelingero't Feelingera sa mundo?


Marami sila! Di lang isa, dalawa o tatlo! Marami sila as in maraming marami. At paano naman malalaman kung sino sino sila?UNA Kung may crush na mukhang kamote. Dinaig pa ang panday at make up artist ng mga patay sa kabilang punenarya, kung makita mo sya, nag water water ka na parang inodoro, kulang na lang sambahin mo sila. Si kuya naman o si Ate, naging instant feelingero bigla, akala mo mangangabayo papuntang palasyo dahil nagagandahan ka bigla o nagwapuhan sa kanya. Wag ganun. Lalaki lang ulo nila at baka ikaw ay maging isang hamak na doormat na lamang!


Daig pa ng mga feelingero't feelimgera ang isang kambing na nakasakay sa likod mo Ate at mg Kuya!


Facebook - this is a network usually our friendly feelingeros and feelingeras dwell. Yes. It's true. If you happen to have about 5,000 unknown friends (just the sake to be popular). You can see and encounter different people/species/creatures or whatever you call them. And there are 101 ways to how will you find out who's who on the top of the list. The cream of the crop!


Mga Hubadero't Hubadera
Sina Ate at Kuya mo. Pakita ng pakita ng katawan, Oo na. Maganda na mga katawan nyo. Hourglass at Six Pack Abs na! Oo na! Natalo na kami! Kayo na! You already! Gusto ko na nga kumuha ng panyo at punasan ko kayo para lang mga santo.

Pero Dios por Santo naman mga Kuya't Ate. Di lahat sa lahat ng mga larawan nyo kelangan maghubad kayo para lang mapansin. Nagmukha tuloy kayong Feelingero't Feelingera!

Wala naman po tayo launching movie di ba? O kung meron man ano ang title? 
                                 "WAG KANG KIKIBO, PAPASOK ANG HITO"
Di sa lahat ng oras, bagay, tao at pook pwede kayo maghubad para lang mapansin. Oo na nga kayo na nga. Sge na. You already! Di naman kayo modelo ng underwear or mga panty at bra inc. May mga tao talagang gusto magpakita ng laman, atay at balon balonan (pati na betamax). At di lahat ng may magagandang katawan ay maganda't gwapo na. HIPON at DUGYOT ang tawag dun. Okey?




"If your X is Dugyot it simply means the state of being untidy,dirty,not neat or orderly in habits or procedures."








"If your X is hipon -it refers to a person who has a sexy bod but a really ugly face. They become pretty/handsome to some people just because they have a great body."


example: I could've hooked up with that hot girl but when she turned around and I saw her face, damn, she was a hipon.


To Hipon or Dugyot - they are the same. Mga Feelingero ang mga yan!






Kung ang x mo naman mukhang modelo. Pinagbiyayaan na ng height, katawan at mukhang kerubin (na may sa demonyo minsan). Syempre go GAGA ka naman dahil kapag kayo'y naghiwalay bitter bitteran ka sa kanya at daming drama ek-ek!


No..No..and No! Wag magdrama! Wag mag bitter bitteran. Itigil ang pag nguya ng Charantia herbs at pag nguya ng tanim ng lola't nanay mo na ampalaya sa likod ng bahay.


It will surely make your x's head get bigger and bigger dahil akala nila kahit hiwalay na kayo. Meron ka pa rin pagtingin sa kanya. Fe-Feelingero ang mga mga yan. Lalaki ang ulo at pagtawanan ka lang.






IGNORE (kahit pumuputok na ang puso't lalabas ka na sa sariling balat mo dahil gusto mo syang hi at hello pero di pwede at baka ilampaso ka lang sa kahihiyan.). 


Wag mag over acting at pakita ng motibo na mahina ka. Kung kelangan mo kumain ng chalk at sabon, gawin mo.


Wag magpakita ng motibo na kinakabahan ka..Smile konti at supladito/supladita look taas noo lakad. or better ignore ignore at ignore na lang.


Remember, yung lolo't lola mong yan kekerengkeng kung affected ka pa rin. (Ginawa ko yan! Smirk!)








At mga Auntie, wag magstart ng gulo kumg makita mo yung x mo, wag mag confront, akala ng lahat isa kang lintang desperada, nakakahiya lalo na sa mall ka manggulo. Wag umiyak o mag desperada. At baka akalain ng X mo ganda ganda nya na at mahaba ang pilikmata hanggang Jupiter (syet anlayo na nun).



Wag tangkain makipag suntukan, sabunutan o kung ano mang karahasan na ika SOCO nyong dalawa.

Wag tumalon o magpakamatay sa mall. Di na uso yan. Nabenta na ang eksenang yan dati. Ngayon laos na!





hay nako day!






                                                                                 


Wag gumawa ng nakakahiyang eksena.
Nag iisang   Anabelle Rama lang sa mundong to. Wala na mas nakakatalo sa Tiya mong ito kahit Amazona ka pa, taga ibang planeta o taga dagat o nakatira sa loob ng kumunoy.

So wag kang umasa pa na maging eksena queen or king dahil nasa kanya na ang titulo. Iiyak ka lang ng nata de coco or popcorn with butter, wala ka magawa dun!









Wag mag insulto: NOT  unless mapera ka. May kaharian, may building, hacienda, lupain at ginto. Remember, if you're a dayukdok, wala kang karapatan mag alipusta sa X mong mas mahirap pa sa u. Para kayong mukhang Daga nyan pag nagkataon. At feeling naman yang X mo na pinagkaguluhan sya kagaya ng ipis, ang pinakagwapong nilalang sa mundo, dahil paparating pa lang, tili ng tili ang lahat.

1 comment: