Wednesday, April 23, 2014

"Bayawak Kingdom presents: Iba't ibang FaceBook Users"



Users must register before using the site, after which they may create a personal profile, add other users as friends, exchange messages, and receive automatic notifications when they update their profile. Additionally, users may join common-interest user groups, organized by workplace, school or college, or other characteristics, and categorize their friends into lists such as "People From Work" or "Close Friends"




There are lots of FaceBook users everywhere in the World and especially here in the Philippines. Sa Pilipinas pa lang, marami na gumagamit nito at marami ka makilalang iba't ibang personalidad, sino ka ba dito?


THE DRAMA KINGS & QUEENS 


A male drama queen. A male member of the human species who cannot control his emotions and otherwise goes out of control in on an emotional outrage.

A drama queen An overly dramatic person. Someone who turns something unimportant into a major deal. Someone who blows things way out of proportion when ever the chance is given.

So who are the Drama Kings & Queens? Paano mo ba sila madetect, malaman, makita sa loob ng microscope na parang mga bacteria lang?

FIRST: Feeling nila sila yung pinaka kawawang nilalang sa buong mundo, planeta, universe, galaxy at  dinaig pa ang namatay na Dinosaur na tinapos ng asteroids.

SECOND: Uhaw na uhaw sila sa atensyon na dapat ang
SPOTLIGHT andyan palagi sa kanya kung magagalit o magdrama, ayaw nilang matatabunan sila ng ibang nilalang sa Facebook, ATTENTION WHORES  ang halos lahat sa kanila/ Magaling sila maghanap ng paraan upang kunin ang sa u ang sarili mong eksena.

Magaling din silang kumuha ng simpatya ng buong baranggay at buong mundo sa Facebook. EXPERT! SUMMA CUM LAUDE, MAGNA CUM LAUDE, CUM LAUDE with honors.


THIRD:  Madali sila magtransform ng mga kadramahan sa buhay, Dinaig pa ang may ADHD (Attention deficit hyperactivity disorder) 

Tahimik kung una, pero deadly minsan kung magsimula ang drama na lahat mabulabog sa mga wallposts nila, mayroon inaaway, magpakamatay, may inaaway at  mga walang katapusang suicidal tendencies.







PA LIKE PO REQUESTS

Eto ang Facebook user na mahilig magpa like ng picture at status nila; Ichat ka bigla tapos sabay sabi:

'KOYAH, ATI PAH LIKE PO NG STAT QUOH JEJEEJE'

Sila ang tinatawag ng mga DESPERADO at DESPERADA sa mundo ng FB account, kahit tsinelas, sapatos, kuko, hita, binti at mga walang kwentang itsura, ipapa like sa u. At kung ayaw mo naman, magagalit sila sa u sabay sabi: AKALA MO KUNG SINO KANG PANGET! WALA KANG KARAPATAN HUMUSGA SA PIC ko!  HINDI KA DIOS PARA HUMASGA SA AKIN!  Dios por Santo, Madre Mia, Madre de Kakao!!!! Ikaw na nga nagpapa like ng status mo at mga larawan mo na walang karapatan sa mundo ikaw pa galit?










ANG MGA HUBADERONG HIPON
100% sa mga nialalang na ito ay namumugad, nangingitlog at nakatira sa Gym na walang ginawa kundi magpaganda, magpa muscles ng katawan.

OO maganda nga talaga ang mga katawan nila, no questions. Palaging pinapakita sa wallposts ang pinaghirapang hubog na katawan subalit, masakit ang katotohanan na ang mga nilalang na ito sa FB ay mga panget. PANGET. PANGET! PANGET! 


                   SELFIE WHORES

1 Billion percent na halos lahat sa FB ay mga selfie whores, kahit saan, lahit kelan, basta maka selfie lang.

Sa Jeep, Sa Banyo, Sa Inodoro etc etc ETC! Eto yung mga galit sa mga sarili nila at palaging pinost ang mga selfies sa wall.

Out of 10, 1% lang ang magaganda at guapo, the rest ay mga masasamang elemento,

Kaya kung gandang ganda ka sa itsura mo, ewan ko na lang kung saang planeta ka galing.



ANG MGA WALANG KATAPUSANG AWAYAN AT PAPARINIGAN SA FACEBOOK, DRAMA!!!!!!
                                        
                                            Sila yung mga nagtatarayan, nagpaparinigan at nag iinsultuhan sa FB sa pamamagitan ng status nila. Hindi papaawat ang bawat isa.

World War 2 palagi ang drama, Halos araw araw sa ginawa ng diyos palagi silang nag iiringan, 

Iiyak ang araw at hndi kompleto ang araw nila lung walang dinamita, machine gun at granada na pinapasabog, aabot ng 1k+ ang comments. 

Siraan kung siraan ang drama. Mga Amazona vs. Taga ibang planeta ang makikita mo 





ANG MGA BABY KO BABY KO! 

Eto yung mga obsessed sa mga syota nila, na palagi na lang pinapamukha ang mga BAYAWAK looking Syotas (Boypren or Gerlpren) nila. Halimbawa: Kamusta ka na Baby Ko? Sarap ng ulam ko, 555 sardines, kain tau baby ko. Hay ang boring na, ano gawa mo baby ko? 

Baby ko, Baby ko, Baby ko 100 Billiion times na paulit ulit na lang! Oo na, sa u na ang lintek mong syotang yan! Loca de Amor ka na, Sisa! Alam na namin yan, Oo na, mukhang talakitok syota mo, UMAY NA UMAY na kami sa Baby ko, Baby ko! LECHE!





                                         ANG MGA FOOD PORNICS 

IN OTHER WORDS, ang mga Patay Gutom na Dukha, sila ang mga taong ngayon lang naka tikim ng masasarap, natural lang na kunan nila ng picture bago kainin, remembrance at baka hindi na ulit makakain. 



 ANG MGA TAGGERS

Eto ang mga kaibugan mo na tinatag ka sa mga paninda nilang condo, damit, panty, bra, inodoro at napkin.

Ang mga negosyante ay ang mga taong mahilig magnegosyo sa FB, mala Budol Budol Gang lang.





ANG MGA BEAUTY PAGEANT NG MGA BATANG TIANAK

Eto yung mga nanay, pinsan, kuya at ate na mag tag ng pictures ng mga anak at pamangkin nila o pinsan  para manalo sa isang walang kwentang beauty pageant ng mga palakang tianak.

Hi! Can I have your time and favor, my beautiful daughter MARIA KAPRA TODOS LOS SANTOS is joining a beauty pageant, please help her dreams come true.





THE RELIGIOUS FREAKS


Eto yung mga taong relihiyoso, lahat ng wallpostsay tungkol sa relihiyon, wala naman masama dun, dahil pinapakita lang nila na mababait sila at sinusunod ang pananampalataya. 

PERO BUT ang iba sa kanila sumusobra na rin  dahil lahat na lang ginagawa at posts mo
binabantayan at pinapagalitan ka, sinasabihan kang MASAMA yan! Pupunta ka sa impiyerno dahil dapat magssisi ka sa mga ginagawa mong kasalanan! 

Ikaw ay nasa ika lima, anim, pitong stasyon! Magsisi ka habang maaga pa!





ANG TOP OF THE LINE     SOCIAL CLIMBER

Hala! Ayan na sila! The brand conscious Lizards, ayaw daw ng peke, kumakain ng Chanel, Ngumangatngat ng Louis Vuitton at nagmamartilyo ng sapatos ni Jimmy Choo.

Whether you like it or not, marami yan sa FB, ang mga pekeng mayayaman, lahat ng designer kilala at friends, may image na iniingatan, naliligo ng Latte sa Starbucks at ayaw na ayaw sa mga dukhang hampaslupang dayukdok, sila ang self confessed ALTA, mga Englishero at Englisheras. Ayaw pahuli, ayaw patalbog, nagplastikan lang at gamitan, hindi naman magaganda. Marami silang tumatambay sa Greenbelt 3 at Republiq.


THE GRAMMAR  
conscious

HYPOCRITES 

I want to challenge you with your own words, watch your language because I'm not afraid to correct everything what you say.

Sila yung mga Pulis Kalawakan sa FB, magtypo error ka lang, pagtawanan ka at sabihan kang BOBITA, titirahin ka nila kung ano ano. 100% sa kanila mukhang DAGA.


DIET FREAKS   
I don't want to eat, ayokong kumain  
tataba ako, mamatay ako, exercise! 
Iwasan ang taba! Panget ang taba!
Mamamtay ako!

Eto ang FB users na ayaw kumain dahil naniwala sila sa kulto nila na kung tataba sila, ipapakain sila sa leon o ihulog sa bunganga ng bulkan.

Ang kinakain lang nila ay alikabok, hangin, bubog, langaw, insekto abp.




                ANG MGA JEJEMON
Eto ang pinaka baduy na nilalang sa Balat ng Facebook, may sariling mundo at state of the Art Baduy Don't Stop Me from Fashion Look, mga walang kwenta, mga walang taste at halos lahat ay Teenagers na parami ng parami, May sariling lenguage na sila lang maka intindi






HI PHO! UZTA KEOH?
MABUTI NAMAN POH AKoW KoyaH
JEJJEEJEEJEJE!



RAK NE ETU! JEJEJEJEJ!



  
       ANG MGA DIVA 

Eto ang mga top of the line totoong Magaganda at Guapo na may masamang ugali. Halos lahat ng mga wallpost puro ingles, ayaw magtagalog at palaging galit sa mundo.

Ayaw nilang may Bayawak sa paligid at ayaw nila sa mga panget. Sophisticada, Elegante at kung sila'y magsalita o magtantrums sa wallposts, tahimik ang lahat dahil baka mapahiya ka lang at matakot sa mga banat sa u.




ANG MGA TAGA IBANG PLANETA

Eto yung FB friend mo na galing sa ibang daigdig, may sariling mundo na hindi mo maintindihan kung ano sinasabi, pati pictures at  mga bagay bagay na kahinala ay nasa katauhan nya.





    POSERS 
Eto ang mga totoong peke! Ginagamit ang pictures ng iba para makapaglinlang ng kapwa sa FB.

Mapagkunwari at halos lahat ng posers ay panget in real life, mukhang DAGA.
Ginagamit ang mga litrato ng ibang tao, models at Artista para magkaroon ng maraming friends.

Gusto din makakuha ng attensyon mo para kaibiganin ka pero hindi mo alam, ito yung UNDIN sa kabilang bahay nyo lang.





Baket ako nadamay? Aber?
Baket? Ha? BAKET????

TO BE CONTINUED........................













                                                         




No comments:

Post a Comment