Thursday, November 3, 2011

"Your Officemate is an Alien! (Ang Kaopisina mong taga ibang Planeta)"

Alien (dayuhan, taga-ibang bansa, banyaga), Martian. These hypothetical forms of life range from simple bacteria-like organisms to beings far more advanced than humans.

In other words, sila yung mga taga ibang planeta na naglalanding para magpagasolina sa mundo natin. Nakalaban na rin sila si Darna nung 1970's.

Nagkalat na talaga ang mga taga ibang planeta sa mundong ito. Iba't ibang uri, hugis at itsura. Di mo malaman kung tao ba ang katabi mo o may plano na syang kunin ang ray gun nya't itutok sa mukha mo't pulbusin ka.

Malay mo, isa ka na rin sa kanila di ba? Meron ka bang kakilalang taga ibang planeta? Nanay mo o maaring mga Tiya't Lola mo habang andun sa loob ng kisame at bubongan ng bahay nyo't kumukuha ng signal sa gabi.


Because I'm working in a place where people meet their match. You can encounter different personalities. The Weird ones, Eccentrics, Genius, Goths, Tsismos y Tsismosas, Silent types, OA's, KSP's and of course the ALIENS!


Magulat ka na lang katabi mo o sa harap ng station mo ay di maingay at nagsasalita minsan ng kung ano anong di maintindahan na lenggwahe.

Minsan, may marinig kang radio na parang kumukuha ng signal.

At baka mahimatay ka na lang na balang makita mo yung officemate mo, ngumunguya ng battery ng celphone na chinacharge ng bestfriend mo o di kaya sumisipsip ng Agua Oxinada't hinaluan ng Ink sa printer. Di yan malayo mangyari dahil pagnagikataon, siya ay taga ibang planeta. Si Ate o si Kuya ay sinusundo pala ng spaceship sa labas ng opisina nyo.


Paano mo nalalaman kung taga ibang planeta ang kasama mo sa trabaho?


   Una: Kapag humangin ng todo at bigla na lang lumitaw ang kasama mo sa trabaho sa tabi mo. Magduda ka na. Malamang nag astral travel yan. Hindi lahat ng multo at maligno may sound effects at grand entrance.


PANGALAWA: Kapag may naghahanap ng signal sa labas at loob ng opisina nyo ang nilalang na yan, hindi ibig sabihin WIFI na gustong mahanap nyan.Nasa ulo nila ang antenna o minsan nasa relo't ilong ang signal ng mga yan. PANGATLO: Kung nagtratrabaho ka sa madaling araw o pauwi ka na sa gabi, di lahat ng sasakyan may magagandang ilaw at lumilipad sa ere. 


Manahimik ka! DUKHA!

Walang helicopter o Eroplano na susundo sa isang tao na gaya mo sa ganyan oras maliban na lang kay Gretchen Barreto at Henry Sy na allergic sa trapik.  Kung may marinig kang kakaibang ingay, magtago ka na sa likod ng pader. Wag mo na sabihin sa sekyu at baka kayo pa dalawa matangay sa kalawakan ng tiya mong taga ibang planeta.


Walang susundo ng mga Class A na sasakyan sa ka opismate mo. Pwera na lang mayaman sila, social climber, wala silang Barko, Building at Banko kagaya ng tiya mo.


Walang nagtratrabaho na dayukdok sa ganyang oras. Baket kelangan pa? Kung nagrtabaho ang mga yan, sguro nag iimbento na lang Ray Gun para pupulbusin kayo sa loob ng opisina isa isa. LALO KA NA!





APAT Hindi porke't tumatawag yan sa telepono at may kausap ng ibang tao, (Lalo na sa customer service ng call centers at sa Korean Company, akala mo nag Korean ang mga yan.  Pero hindi, kinakausap nila ang ibang mga kalahi kung paano lusubin ang mundo at san mag sisimula.)






PANG LIMA: At kung matagal naman ang officemate mo sa banyo, hindi porket 9 hours sa loob, masakit na ang tiyan o najejerbs. Malay mo, kumakain ng mga mothballs, Albatross , lumalaklak ng toilet duck at nabibighani sa flush ng inodoro ng opisina nyo. Hindi lahat ng nasa CR tao. Baka nga naghahanap ng butas yan para dyan lumusot o dumadaan sa inodoro para mag transport sa mundo nila (Malay mo yan pala ang mahiwagang pintuan na hinahanap ni Panday at ni Darna.





PANG ANIM- kung kaduda duda ang itsura ng opismate mo kagaya nito. No need to explain. Kahit pareha kayo nanigarilyo, nagkakape o sa isang station. Di ibig sabihin close na kayo.


Mga mga taga ibang planetang talagang obserbahan ka to the max dahil sa mga kilos mo, pananalita. Di mo alam, kumukuha yan ng mga timing paano ka nila i-abduct, dalhin sa planeta nila at patakbuhin sa kulungan kagaya ng mga daga dito sa atin.


Wag mag kompyansa na dahil narcissistic yang kasama mo at palagi nya pinag usapan tungkol sa boyfriend nya, nanay, tatay, ate, kuya at aso, hindi ibig sabihin normal na sya. Kung nagpa-plantsa yan ng buhok sa station, iba ibig sabihin nyan, nasa buhok nya ang enerhiya at kelangan makuryente bago lusubin ang mga tao dyan.




MAG INGAT! MAG INGAT!  MAG INGAT!  MAG INGAT!  MAG INGAT! 

No comments:

Post a Comment